Una sa Balita

CLEAR IT: Magpatayo ng istraktura sa right of way

By
0 225

Dear Atty. Claire,

Good day po! Sana po ay matulungan ninyo kami sa aming problema.

Legal po bang ­tayuan ng 2 storey structure with open roof deck ang right of way (eskinita) na may sukat na 12m x 2m sa gilid namin na ­nakadugtong sa main bldg. sa likod namin? Ginagawa itong tam­bayan, sampayan, at inuman ng mga tenants ng main building at itinatapon nila ang lahat ng klaseng basura sa bubungan namin at pag nabarahan po ang gutter at downspout namin ay bigla na lang sasa­bog ang tubig ulan sa loob ng bahay namin na ­siyang nagiging dahilan ng pagka-damage ng aming­ ­properties — nababasa, inaanay at pati electrical wirings ay pumutok na last 2011. Since 2008, 6 na beses  na po itong nangyari at ang latest po ay last 21 June 2016. Tatlong beses na pong nag-Amicable Settlement. Yung bagong lipat na tenant na siga sa ­aming lugar ay tinakot pa ako nung 26 June 2016 na ­kundi tumahimik ay sasampalin daw niya ako. Paano po ang mangyayari sa Amicable settlement namin sa ­barangay? Paano po kaya ang dapat gawin sa ­lalaking nananakot sa akin?

Lubos na gumagalang,
Mr. Renato

Mr. Renato,

Unang una po ay hindi maaaring magpagawa ng anumang istraktura sa isang right of way. Ang right of way po ay dapat na walang sagabal dahil nagsi­silbing daanan ito.

Kung iyan ay isang iskinita ay hindi papayagan ng Engineering Department ng lungsod o munisipyo na makapagtayo ang sinuman ng building sa isang daanan. Kung walang building permit ay iligal ang pagpapatayo ng bahay sa nasabing lugar.

Maaari mo silang isumbong sa Engineering ­Department upang magsagawa ng inspection sa lugar. Kapag napatunayan na wala silang building permit at occupancy permit ay maaari silang kasuhan sa pag­labag ng National Building Code.

Tungkol naman sa napagkasunduan ninyo sa ­barangay ay maaari kang magsumite ng motion to execute sa barangay para ipatupad ang napagka­sunduan sa loob ng 6 na buwan mula sa panahon na nagkasundo o mula sa panahon na dapat na ginawa ang napagkasunduan.

Kapag lumagpas na ang 6 na buwan ay maaari ka nang magsampa ng kaso sa korte ng Action to Enforce the Decision based on the “Kasunduan” upang mapatupad ang naging kasunduan sa barangay.

Sa nananakot sa iyo ay dumulog ka sa barangay upang sampahan siya ng reklamong threats o kaya ay unjust vexation depende sa sitwasyon. Huwag pairalin ang takot dahil lalo ka nilang tatakutin.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag ­lamang sa 410-7624 o 922-0245 o mag email sa attorneyclaire2015@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy