Una sa Balita

CLEAR IT: Estafa

By
0 77

Dear Atty. Claire,

Hingi lang po sana ako ng payo sa inyo sa mga dapat kong gawin… Noong Feb. 3 po ‘yung ninong ko ay lumapit sa akin at tulungan ko raw ‘yung kakilala niyang matandang babae.

Gusto raw po kasi nitong isanla ng matandang babae sa akin ‘yung bahay niya sa halagang P10,000 pero P7,000 lang daw ang ibigay ko dahil ikakaltas na ‘yung tubo na 3,000 pero ‘pag tinubos na ‘yung bahay P10,000 pa rin ang balik… dahil po sa magandang salita ng aking ninong at awa sa matandang babae ay pumayag po ako kahit hindi po talaga ako nagpapautang. Ang ninong ko na raw ang bahalang maningil. Noong March 2 ng gabi ay pumunta po sa aming bahay ang matandang babae at sinabi sa akin na P9,000 lang ang naibaya­d niya nang singilin siya ng aking ninong noong umaga ng araw na iyon, ngunit wala naman akong natanggap na pera mula sa ninong ko sa buong araw na iyon.

Nalaman ko at inamin naman niya na nakuha na nga niya­ ang pera at nangako na ibabalik na lang niya pero sa ngayon­ ay bihira ko na lang siyang makita sa aming lugar datapwat kapitbahay lang namin ito… ang tanong ko lang po maituturing­ bang estafa ‘yung ginawa ng ninong ko sa hindi niya pagbalik sa akin ng pera gayong nagbayad na ‘yung nagsanla sa akin ng bahay nang ito’y kanyang singilin… at puwede ko po ba ­siyang sampahan ng kaso??

Sana po matulungan n’yo ako sa dapat kong gawin!

Salamat po! — EMZ
Ms. Emz,

Ayon sa kuwento mo ay tunay mong binigyan ang tiwala ang iyong ninong dahil sa hindi ka naman magpapautang kung hindi siya ang nangako na siyang maniningil.

Dahil sa tiwalang ito ay lumalabas na siya ay iyong naging­ ahente upang makolekta ang dapat na maibalik sa iyo na halaga.­ At dahil sa tiwalang iyon ay sa kanya ibinigay ang pera upang iabot sa iyo ngunit iyon ay hindi niya tinupad at bagkus ay mukhang ginamit niya para sa pansariling kapakanan na tunay naman nagdulot sa iyo ng perwisyo o danyos.

Ang mga nabanggit kong sitwayon ay maaari maituring na isang panloloko ang ginawa ng ninong mo at siya ay maa­aring managot sa kasong Estafa.

Ayon sa Art. 315 par. 1(b) ay maaaring kasuhan ang isang tao kapag ang mga elementong ito ay mapapatunayan:

(a) That money, goods or other personal property is received by the offender in trust, or on commission or for administration, or under any other obligation involving the duty to make delivery of or to return the same;

(b) That there be misappropriation or conversion of such money or property by the offender or denial on his part of such receipt; and

(c) That such misappropriation or conversion or denial is to the prejudice of another;

(d) That there is ­demand by the offended party to the offender.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy