Una sa Balita

CLEAR IT: Bahay kubo may tax ba?

By
0 273

Dear Attorney Claire,

Magandang hapon po. Nais ko pong itanong kung may tax ho ba ang bahay kubo?

Nagbabayad po kami ng real property tax ng lupa, ngayon balak na­ming gawing munting resort ang aming lupa, tayuan ng 1 unit na bahay kubo gawa sa kawayan at nipa na may sukat na 40 Sq. meters. At sa ilalim ng kubo ay sementado with tiles. Meron siyang 1 meter column (poste) from Ground Level, elevated po yung kubo. Approximately Cost P80,000 to P100,000.

Ito po ba ay may tax. Marami pong sa­lamat.

Gumagalang,
Manny

Manny,

Tama ka na binabayaran mo ng real property tax o amilyar ang lupa ninyo pero kapag ikaw ay nagpagawa ng anumang istruktura sa lupa ay kakailanganin mo ang building permit para pagpapagawa mo ng improvement. Dahil dito ay kakailanganin mo na makipag-ugnayan sa Engineering Department ng local government unit (city or municipality) na may sakop sa lugar na pagtatayuan mo ng building o improvement.

Related Posts

Kapag na-approve at nakapagpatayo ka na ng building ay ipapasuri iyan upang ma-assess ang value para malaman mo kung magkano ba ang babayarang amilyar. Makipag-ugnayan sa Assessor’s Office upang ipaalam ang bagong improvement na naitayo.

Kung ang naita­yong building o bahay o anumang improvement ay hindi mo ipapa-assess upang magkaroon ng sariling Declaration of Real Property Tax ay mahihirapan ka rin naman makakuha ng business permit kung balak mong gawing negosyo ang resort dahil hahanapan ka ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) ng mga supporting documents ng naturang improvement.

Kung binalak mo nang ibenta ang lupa at building ay hindi mo rin maibebenta ito dahil sa walang kaukulang Tax Declaration ang improvement.

At kapag hindi nabayaran ang amilyar dahil sa hindi mo dineklara at pinatayo ng walang mga building permit at ibang permit na kailangan ay maaari kang makasuhan ng criminal case ayon sa National Building Code at magbabayad ka pa ng tamang amilyar na may kasama ng interes at penalty.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag sa 410-76-24 o 922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy