Una sa Balita

CLEAR IT: Deed of sale walang laban sa titulo ni Erlanie

By
0 4,164

Dear Atty. Claire

Good day po sa inyo, Atty. Claire. Una sa lahat ako po si Mark nakatira sa lungsod ng Kalookan. Ang aking problema ay tungkol sa lupa at bahay na ibinebenta sa amin ng ­mag-asawang ­Sylvia at Marlon dito din po sa Kalookan City. Last July 2015, ­nagkasundo kami na bibilhin ­namin ang ka­nilang bahay at lupa. Gumawa po kami ng sulat ­‘KASUNDUAN’ na ako ay nagbigay ng 50,000 bilang paunang bayad sa bahay at lupa. Sa mada­ling salita ako po ay nakapagbigay ng P255,000 simula July 2015 hanggang sa May 2017 at ito’y may mga lagda nila na nagpapatunay na natanggap nila lahat ng pera na ibinigay ko.

Bago po pala ang lahat ang status po ng lupa at bahay na ‘yun ay may pending transaction sa NHA, subject for cancellation do’n po sa registered owner which is under the name of Erlanie. Itong si Erlanie ang na­ging caretaker noon sa lupa at bahay, na ito naman ay under the name of Pablo na magulang nina Sylvia at Marlon. Ang nangyari po kasi nae-file na abandoned lot ni Erlanie ito sa NHA at ito naman ay naaprobahan. Nang malaman ni Pablo Sabino ay nag-file siya sa korte ng case against to Erlanie para mapa-revoke ‘yong contract niya sa NHA. Sa ngayon ongoing pa process sa NHA for cancellation of contract against do’n kay Erlanie.

Si Pablo Sabino po nag-execute ng SPA do’n sa mag-asawang Sylvia Sabino at Marlon Sabino stated ng binigyan n’ya ng authority sila ­Marlon at Sylvia na ­mamahala sa lupa. Doon po sa problema ko against kay ­Marlon at Sylvia meron ka­ming pinagkasunduan lingid sa kaalaman ko nakikipag-transaction den pala siya sa ibang ­buyer which is nakapag-execute sila ng deed of sale.

Katanongan ko po:

1. Atty., pwede po bang makapag-execute ng deed of sale at mapa­notaryohan sa ­abogado kong ang ­nakapangalan sa ‘Rights’ at NHA is ­under the name pa ni Erlanie (under ­pending transaction for cancellation)? Kung iisipin wala pa naman talagang karapatan sila Sylvia at Marlon kasi hindi pa sa kanila ito nakapangalan?

2. Magiging valid po ba ito?

3. Pwede na po bang ma-occupy ng bagong buyer ‘yong lupa at bahay kahit ito nasa pro­seso pa sa pagkakansela against do’n kay Erlanie?

4. Ano po ba ang ma­ging laban ko kong iisi­p­in mas naauna ako naki­pag-deal sa ­mag-asawang Sylvia at Marlon Sabino against sa bagong buyer dahil nito lamang Mayo 2017 lang sila nagkapirmahan ng deed of sale?

5. Pwede ba ako ma­kagawa ng affidavit para ma-prevent ko po ‘yong pag-transfer of rights sa bagong buyer do’n sa NHA?

Sana po Atty. Claire, matulungan n’yo po ako at mabigyan n’yo po ako ng sapat na impormas­yon tungkol sa ganitong problema.

Related Posts

Maraming Salamat po.

Pagpalain sana kayo ng Maykapal.

Mark,

Ang tanong ko sa iyo ay kung alam mo ba na may pending case ang lupa bago mo ito binili. Kung alam mo na may ­issue na dapat paglaba­nan pa ay lumalabas na handa ka sa anumang mangyayari sa iyong transaksyon.

Sa una at pangalawa mong tanong ay masa­sabi ko na maaaring gumawa at mag-execute ng Deed of Sale ang isang nagpakilalang buyer or authorized representative ng rights sa lupa dahil ang rights ay naisasalin ng legal… ang problema nga lamang ay RIGHTS lamang ang binili mo. Rights na makapag-­occupy o kaya ay rights lamang sa bahay ngunit hindi mo pa ­masasabi na magiging tuluyang iyo ang lupa dahil may kaso pa na dinidinig kung sino ang tunay na may-ari nito. Ngunit kapag nanalo naman ang seller mo sa kaso ay kikilalaning VALID ang Deed of Sale ninyo ng Rights sa bahay at lupa at siguradong may karapatan ka na rito. Ang iniisip ko lamang sa nga­yon ay baka naman labag sa alintuntunin ng NHA ang bentahan ninyo.

May ibang ­patuntunan ang NHA sa pagbebenta ng lupang nai-award lamang sa isang tao. Ipinag­babawal ng NHA ang pagbebenta ng lupa na nai-award sa ­awardee na walang pahintulot ang NHA sa loob ng limang taon matapos na ma-release ang titulo sa ­awardee. Sa aking tingin ay dito sa issue na ito ka magkakaproblema.

Ang sagot ko sa pa­ngatlo mong tanong ay depende sa sitwasyon. Kung ang bahay at lupa naman ay dating occupied ng nagbenta sa iyo na sina Sylvia at Marlon ay maaari mo na itong i-occupy kahit may kaso pa. Ang problema lamang ay kung si Erlaine ang nag-occupy nito dahil siya naman ang kinikilala sa ngayon ng NHA. Hindi mo siya mapapaalis dahil mayroon siyang sariling interes na pinaglalaban. Ang Deed of Sale mo ay walang laban sa titulong hawak ni Erlaine.

Tungkol sa second buyer naman ay mas ma­taas ang antas ng iyong karapatan dahil mas nauna kang ­bentahan at ang petsa ng Deed of Sale mo ay mas nauna. Ngunit kapag ang second ­buyer ay walang alam sa ­unang bentahan at siya ay ­buyer in good faith at una siyang nag-occupy ng property ay mas ­tataas ang antas ng kanyang karapatan kaysa sa iyo dahil mas nauna ­siyang nagkaroon ng ­possession ng proprerty kaysa sa iyo.

Bago ka gumawa ng aksyon papunta sa NHA ay alamin mo muna kung ano nga ba ang karapatan ni Pablo dahil kung wala pa siyang titulo at naibenta na ito sa iyo ay tiyak na problema ang idudulot niyan dahil lalabas na hindi valid ang sale sa iyo. Mas maganda siguro kung mag­pagawa ka na ng sulat sa abogado at ipadala kina Sylvia, Marlon, at sa bagong bumili tungkol sa inyong bentahan. Ipaalam na ang second sale nila ay hindi na valid dahil sa mas nauna kang bumili ng bahay at lupa.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410 7624 o 922 0245 o mag-email sa attorneyclaire @gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More