Una sa Balita

Clear bag policy sa SEAG

0 320

MAGPAPATUPAD ng clear bag policy ang 30th Southeast Asian Games 2019 coordinators sa loob ng mga venue.

Nabatid na mga bag na transparent lamang ang papasukin sa loob ng mga pagdarausang ng plaro sa Nobyembre 30-Disyembre 11.

Tinatayang aabot rin sa may 15,000 miyembro ng Philippine National Police ang magbibigay ng seguridad sa mga atleta at mga manonood sa SEA Games.
Bukod pa sa ilalagay na bomb-sniffing dogs at bomb disposal personnel, may mga tropa rin na magsasaayos sa daloy ng trapiko.

Ayon nitong Martes kay NCRPO Regional Director PBGen Debold Sinas, sususpindihin rin ang permits to carry firearms sa labas ng ­bahay sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, at La Union mula Nobyembre 20 hanggang Disyembre 14.

Inaasahang may 10,000 atleta ang inaasa­hang lalahok sa 11-nation 12-day sportsfest.

Una nang nagsuspinde ng kanilang klase ang De La Salle University at College of Saint Benilde sa Malate, Manila para bigyan-daan ang SEA Games na may mga laro sa kalapit na Rizal Memorial Sports Complex. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy