Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cleanup drive dinilig ng dugo: Kagawad, tanod bulagta

0 138

Patay ang isang barangay kagawad habang sugatan ang kasama nitong tanod nang pagbabarilin sila ng hindi pa nakikilalang suspek habang nagsasagawa ang mga ito ng cleanup activity sa Candelaria, Quezon noong Sabado.

Ayon kay Candelaria Police chief Police Lt. Col. Arnulfo Silencio, nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa katawan ang biktima na si Mario Mendoza, 59-anyos, kagawad ng Brgy. Masalukot 111 habang nadaplisan ng ligaw na bala sa binti ang kasama niyang si Danilo Evangelista, 57-anyos, tanod sa nasabi ring barangay.

Lumitaw sa imbestigasyon na nagsasagawa ng cleanup activity ang mga biktima sa Sitio Tangke nang dumating ang suspek at paputukan ng ilang beses sa katawan si Mendoza habang tinamaan naman sa binti si Evangelista bandang alas-nuwebe ng umaga.

Tumakas ang suspek pagkatapos ng krimen habang dinala sa Peter Paul Medical Center ang dalawa pero idineklarang dead on arrival si Mendoza.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa krimen.

Leave A Reply

Your email address will not be published.