Una sa Balita

‘Clean-Up’ sa Pasay, Dec. 21

0 709

MGA nalalabing stag ng ‘Bakbakan’ at ‘Digmaan’ ang isasali sa Pasay City Cockpit para sa taunang ‘Ahluck Camsur LDB 4-Stag Clean-Up Derby’ sa Biyernes, Dec. 21.

Sina gamefowl handlers Robert Eloriaga (Ahluck Camsur) at Rey Soberano (LDB Candelaria) ang hosts, sponsor ang Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

May 40 hanggang 50 entries ang inaasahan at dapat isumite ang entries sa Huwebes, Dec. 20.

Handog sa Bagong Taon ng PCC ang ‘Annual SEGBA United 6-Stag Derby’ sa Dec. 28, taya ang P750,000 habang ang entry fee ay P6,600.

Inilarga na ang 3-stag elims ng der­bing ito sa Batangas, Cavite, Rizal at Bulacan. Puwede ang straight six stags sa Dec. 28.

Nagpaderbi rin ang SEGBA (Seaman Gamers and Gamefowl Breeders Association) sa roligon nitong nakaraang taon.