Una sa Balita

Clean record ni Mar panlaban sa fake news

0 851

Dinadaig ng magagandang nagawa sa gobyerno ni former DILG at former senator Mar Roxas ang mga fake news na ibi­nabato sa kanya ng mga kritiko.

Para kay Roxas, kailanman ay hindi magtatagumpay ang mga negatibong propaganda laban sa kanya dahil bistado na ng publiko na paraan lamang ito para takpan ang mga nagawa niya bilang dating kalihim ng Department of Trade and Industries na nagparami ng mga call center sa bansa.

Sinabi ni Roxas na ang kanyang ranking­ sa SWS survey na 8th-9th ay patunay lamang na hindi kumakagat ang pagbato ng putik sa kanya.

“Ang katotohanan, binigay sa akin ng kasalukuyang gobyerno ang pension ko. Cleared ako sa COA, DOJ, Sandiganbayan.­ Hindi naman ibibigay yung pension mo kung may pananagutan ka pa. Ang pakiusap ko lang, huwag po tayo padadala diyan sa mga fake news o kasinungalingan,” sabi pa ni Roxas.

Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni Roxas ang mga mamamayang patuloy na nagtitiwala sa kanyang kakayahan, lalo na sa paglikha ng trabaho, pagpapababa ng presyo ng mga bilihin at pagbukas ng opurtunidad sa maraming Pilipino.

“At the end the day, ang eleksiyon ito ay hindi kung sino ka bagkus ay kung ano ang maiaambag mo para sa kaunlaran ng bawat mamamayan,” dagdag pa ni Roxas na kilala rin bilang ama ng mga call center.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy