‘Clean athletes’ ng Russia sa ilalim muna ng IOC flag

By

Ayos lang sa orga­nisador ng Winter Olym­pics na paglaruin ang Russians athletes sa ilalim ng kanilang sariling bandila.

Pero tanggap bilang “second-best” batay sa patakaran ng International Olympic Committee (IOC) na papayagan ang mga ‘clean athlete’ buhat sa Russia na makapagpartisipa sa Games bilang neutrals.

Na-ban ang ­Russia mula sa 2018 Winter Games noong Martes dahil sa minani-obra mismo ng kanilang estado ang programa sa paggamit ng bawal na gamot sa mga manlalaro.

Iginiit ng IOC na ang malinis lang na Russian athletes ang pupuwedeng maglaro sa ilalim ng ­Olympic flag.

“We find it the se­cond-best alternative, albeit not the best, that Russian players are at least allowed to compete individually,” ani Lee Hee-Bum, chief ng Pyeongchang organi­sing committee, para sa naka­iskedyul na Winter Olympics sa Pebrero sa South Korea. 

Ang pagbabawal ay bahagi ng pinakamabigat na kaparusahan na ipinataw ng IOC para sa drug cheating. 

SHARE