Una sa Balita

Claudine sumabog sa dyowa ni Raymart

By
0 4,655

May giyera na naman sa pagitan nina Claudine Barretto at Raymart Santiago, na nagsimula nu’ng nag-post si Sabina (panganay nila) na tutol ito sa pakikipagrelasyon ngayon ni Raymart sa ibang babae.

‘Your soul mate is not another person’s spouse. Sorry,’ ang makikitang quotation sa Instagram wall ni Sabina.
Pero, may mga nagsasabi nga na hindi naman si Sabina ang nag-post ng mga ‘yon kundi si Claudine mismo.

“To say I put the quotes my daughter made is such a love blow. But I will validate her feelings as any mother would,” sambit pa ni Claudine.

Anyway, inisa-isa nga ni Claudine sa Instagram­ wall niya ang mga pambabalewala raw ni Raymart sa kanilang mga anak.
“I begged him to have that conversation separated parents do, to explain that daddy and mommy loves you and will always be there for you. That never happened!’

Nagmakaawa kay Raymart na magpa-counseling sila nina Sabina at Saint.

“So they would feel loved and safe and secure despite our separation.”

Nagmakaawa rin daw siya kay Raymart na dumalo sa mga event sa school ng mga bata, pero…

“Pahirapan pa ‘yon and even the Heads of the school calls him para lang umatend,” sey pa rin ni Claudine.

Sinabi rin ni Claudine na hindi raw ito ang first time na nagkaroon ng karelasyon si Raymart.

“This relationship thing of Raymart isn’t the first in years, there were and are other and I really don’t care. My only request is for him to explain this to my kids but he consistently denies that he has a girlfriend. So he doesn’t feel the need to explain, so ok…” giit pa ni Claudine.

Awang-awa nga raw si Claudine sa nararanasan ngayon ng anak niyang si Sabina dahil sa mga basher.

“My daughter is being bashed for pro­tecting herself and her brother, when that is the only way she knows how coz she cannot open or talk to her Daddy, who by the way DOES NOT VISIT ONCE A WEEK!” pahayag pa ni Claudine.

Ikinuwento rin ni Claudine na hati sila sa pagbabayad ng pag-aaral ng mga anak nila. Maliban lang daw nitong nakaraang buwan, dahil nga sa pagkakasakit niya.

“As much as I don’t want to put Raymart in a bad light our child is being bashed. You all can say many things about me but if there is one thing I can be proud of is that I am a damn good Mom. I don’t talk bad about their father coz he has proven that very well to them.”

Pakiramdam ni Claudine, mag-isa lang siyang nagpoprotekta sa mga anak nila ni Raymart.

“Sinaktan physically si Saint did anyone aside from me protect him?” sey pa niya.

At huling hirit ni Claudine, iginiit niya na gusto rin niyang ma­ging maligaya si Raymart ngayon sa bago nitong karelasyon.

“Everyone has the right to be happy and believe it or not, that is something that I want Raymart to have. But is it so hard to explain?”

Sa huli, nagpasala­mat si Claudine sa mga sumuporta sa kanyang mga anak.