Una sa Balita

CLAUDINE, REGINE-OGIE, AMY, SUMUPORTA SA ‘SINGLE MOMS’!

By
0 3

Nag-sorry na si Sen. Tito Sotto sa ‘joke’ niya, pero ayaw pa ring paawat ng iba sa pagbatikos, o paglabas ng saloobin sa kanya.

May mga pahabol pa nga na ‘umalma’ sa ‘na-ano lang’ joke niya kay DSWD Secretary Designate Judy Taguiwalo. Tulad nga ni Claudine Barretto.

“Sen. Tito Sotto I am a single mother of 2 and I’m proud of myself and I have so much respect para sa lahat ng single mothers na tumatayong nanay at tatay, para sa akin bayani ang mga single mothers.

“Wala ho kaming day off, sweldo o benefits bilang isang single mother, ninong namin kayo ni Raymart sa kasal namin at siguro naman po alam ninyong hindi ako NA ANO LANG!!!”

Bagama’t hindi naging isang single mother si Regine Velasquez-Alcasid, nagpahayag din siya ng suporta sa mga single mothers.

“Single moms: You are a doctor, a teacher, a nurse, a maid, a cook, a referee, a heroine, a provider, a defender, a protector, a true Superwoman.  Wear your cape proudly. Mandy Hale.”

Ni-repost ito ng kanyang mister na si Ogie Alcasid sa kanyang IG wall bilang suporta sa kanyang misis at sa ibang mga single mom.

Umalma rin si Amy Perez-Castillo sa isyu…

“It takes a strong person to be a single and take on two roles.  You’re amazing in your child’s eyes… never forget that.”

“Before you speak: THINK. T-is it True? H-Is it Helpful? I-is it Inspiring? N-is it Necessary? K-is it kind?”