Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Claudine naging mabuting ina dahil kay Vilma

0 97

Inamin ni Claudine Barretto sa online show na “I Feel U” ni Toni Gonzaga na nag-iba ang work ethic niya matapos makatrabaho ang Star of All Seasons na si Vilma Santos-Recto sa pelikula nilang “Anak” noong 2000.

Ikinwento ni Claudine na hindi talaga siya sanay na pinaghahandaan ang mga pelikula niya.

“Ako, ‘yong preparation ko is I have to step up and really had to focus. Usually when I do a movie, I don’t prepare. But when it’s Ate Vi, I really had to prepare,” kwento ni Claudine kina Toni at special guest na si Luis Manzano nang tanungin siya kamusta noong makatrabaho niya ang kanyang ina.

Lahad pa ni Claudine na naging pabaya siya sa trabaho at nang makasabayan si Ate Vi ay talagang pinaghandaan niya ang kanyang sarili.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Real-life mentor daw na maituturing ni Claudine ang Star For All Seasons hindi lang sa paggawa ng pelikula pero maging sa personal na buhay.

“Si Ate Vi, Kung hindi niyo alam, is one of my mentors talaga. When I was in my lowest talaga, ‘andun siya,” kwento ni Claudine.

Tinuruan din daw siya ni Ate Vi kung paano maging isang hands-on na ina sa kanyang mga anak.

“Sinabi niya sa akin, ‘Alam mo Claudine, ang lahat ng tao ay anak, pero hindi lahat ng tao nabibigyang opportunity maging ina. Kaya dapat you really have to take care… tumutok sa mga anak mo.’”

Mapapanood muli ang “Anak” sa YouTube channel ng Star Cinema bilang bahagi ng parternship ng ABS-CBN at YouTube sa YouTube Super Stream. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.