Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Claudine lumobo sa lockdown

0 634

Binago na nga ng lockdown ang itsura ni Claudine Barretto. Napansin ng mga follower ang muling paglobo ng katawan nito.

Nagposte si Claudine sa kanyang Instagram ng larawan habang nasa harapan niya ang pagkain na pinadala sa kanya.

At kahit paitaas ang pagkakakuha ng larawan kay Claudine, hindi naitago ang pagdagdag ng kanyang timbang.

Bago nag-lock down ay aliw ang mga follower niya sa slim figure ng aktres. Pero, hindi pa rin naman nagbago ang ganda at kinis ng balat ni Claudine. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.