Una sa Balita

Claudine, Dominique photo dinedma ni Gretchen

By
0 1,955

Nakaka-GV (as in good vibes) ang parehong pagpo-post sa Instagram accounts ng mag-tita na sina Claudine Barretto (@claubarretto) at Dominique Cojuangco (@dominique) ng picture nila together na kuha sa katatapos lang na Mega Millennial Ball.

Caption ni Claudine sa kanyang post, ‘My heart’ with matching heart emoji.

Ang anak naman ni Gretchen Barretto ay ‘Mega’ lang ang caption sa picture nila ng kanyang tita, pero sapat na ‘yon para matuwa ang ­followers nila.

Siyempre, alam naman ng ­lahat na may rift sa pagitan nina Claudine at Gretchen, kaya ­naman masaya ang mga naka­kita sa mag-tita sa event na ‘yon. At bongga nga dahil pumayag pa silang magpa-picture toge­ther, huh!

Sabi ng isang follower ni Dominique sa comment section, “You could really tell n see how miss @gretchenbarretto raised so well her unica hija. She’s a very respectful n kind daughter… kudos to her ever gorgeous mom. God bless your kind soul and to your Tita Clau.”

Sana nga after ng pagkikitang ‘yon nina Claudine at Dominique, ang magkita naman ay ang una at si Gretchen at ma­ayos na ang gusot sa pagitan ­nilang dalawa, huh!

Noon, kapag nakakatsikahan ko si Claudine, palagi kong sinasabi sa kanya na hindi ako nagkokomento ng kahit na ano sa problema nila ni Gretchen dahil kahit ano pa ang mangyari ay hindi maiaalis ang katotohanang magkapatid pa rin sila at darating ang araw na magkakaayos pa rin naman sila!

Ang pamilya ay pamilya, madalas kong sabihin kay Claudine noon at hindi naman niya kinontra kahit kailan ang dialogue ko na ‘yon!

‘Yun nga lang, naghintay ang mga fan sa reaksiyon ni Greta sa photo na ‘yon nina Dom at Claudine. Pero, habang sinusulat ito, deadma lang ito, at kahit ang pag-‘like’ ay hindi nito ginawa.