Una sa Balita

Claudine ‘di mapakali sa cremation ng ama Gretchen no show!

0 778

Mahigpit mang ipinagbabawal ang media sa burol ni Mr. Miguel Barretto ay mayroon pa rin namang nasagap na impormasyon mula sa pangyayari sa burol.

Sinasabing nagkagulo rin ang iskedyul kung kailan talaga iki-cremate ang labi ng kanilang ama, hindi malaman kung Biyernes ba ng gabi, Sabado ng umaga o Linggo ng umaga gagawin ang cremation.

Pero nitong Sabado ng umaga, muling nagsagawa ang pamilya ng eulogy kung saan nagsalita naman si Mommy Inday na siyang maybahay ni Mike Barretto. Inalala ang 61 taon na pagsasama nilang dalawa at ‘yung araw din ng Oktubre 19 mismo nila ginugunita ang kanilang 61st anniversary. Kinuwento niya na hindi madali sa kanilang dalawa na magpalaki ng 7 anak lalo na’t sobrang busy ni Daddy Mike at doon siya natuto maging independent at magpakatatag para sa kanilang mga anak.

“We have thousands of reasons to quit but I found one reason to hold on,” tumatak pa na mensahe ni Mommy Inday.

Naghandog din ng emosyonal na pag-awit ang magkapatid na Claudia at Julia sa kanilang lolo na talagang halos hindi na maka-kanta sa hagulgol si Claudia habang nakayakap ang ate na si Julia sa kanya.

Kapansin-pansin din na hindi mapakali si Claudine sa mga oras na iyon, hindi naman sigurado kung nakapagbahagi ba ng huling mensahe si Claudine para sa kanyang ama. Malayo rin kasi ang pagitan ng upuan nilang magkapatid. Si Marjorie ay nasa bandang unahan, kasunod ng inuupuan ni Julia habang si Claudine ay nasa dulong gitna malapit sa may pinto.

Anyway, natuloy nga ang cremation nitong Sabado ng tanghali at bago pa man tuluyang kuhanin ang kabaong ni Daddy Mike, humirit pa ng huling yakap sa huling sandali ang mga apo ni Daddy Mike nang tanggalin na ang salamin sa kabaong nito.

Pero hanggang sa huling pagkakataon bago i-cremate si Mike Barretto, hindi na talaga nagpakita si Greta. Siguro ay para iwas gulo na lang. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy