Una sa Balita

Claudine binansagang Angelina Jolie ng ‘Pinas

0 527

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloy
Binansagan na nga si Claudine Barretto bilang “Angelina Jolie” ng Pilipinas. ‘Yan ang nakikita ng kanyang mga fan sa bagong post ng aktres sa kanyang Instagram.
Ipinapalagay ng mga fan ni Claudine na nag-ampon ulit siya sa ikatlong pagkakataon, nang mag-poste ito ng larawan na karga niya ang isang sanggol.
Sa caption, nagpasalamat si Claudine sa kanyang massage therapist na kasama rin niya sa larawan dahil nagkaroon siya ng relaxation. Sabi pa niya, makakapagpahinga na siya mula sa pag-aalaga ng isang sanggol.
Pawang mga papuri sa ganda ni Claudine ang mababasa sa comment section ng kanyang post, at pati na ang pagkakaroon ng magandang puso ng aktres dahil sa isang magandang buhay na ibibigay nito sa bago niyang ampon.
Hindi sumagot si Claudine sa tanong kung bago ba talaga niyang ampon ang sanggol. Bagkus ay emoji lang ang sagot niya.
Apat ang anak ni Claudine ngayon. Isang biological sa dati nitong asawang si Raymart Santiago na si Santino. Ang isa ay dalagita na, si Sabina. At ang isa ay batang babae na wala pang 10 years old.

***
Jackie, Kobe tinawag na walang pinag-aralan si Arwind

Gustong makita ni Jackie Forster na may sumampal sa PBA cager na si Arwind Santos dahil sa racial taunt nito sa PBA import na si Terrence Jones.
Sa unang message post ni Jackie sa isyu ng racism act ni Arwind patungkol kay Terrence sa pinakahuling game ng TNT vs. San Miguel, sinulat nitong nais niyang makitang may manampal kay Arwind para sa pagkakamali nito.
Tinawag pang “Ignorant” nang tatlong beses ni Jackie si Arwind sa mensahe at sinabing dapat nitong malaman kung gaano karaming Pinoy sa buong mundo ang biktima ng racism.
Sumawsaw naman ng kanyang komento ang sikat na cager son ni Jackie na si Kobe Paras, at sa kanyang comment nagpasaring ito na walang pinag-aralan ang gaya ni Arwind.
Ibinahagi ni Kobe sa kanyang mensahe na hindi siya nakaranas ng racism sa African-Americans sa States na nag-alaga sa kanya, kaya nasaktan ito sa monkey gesture ng Pinoy cager.

***
Adobo ni Juday super patok

Hindi lang sa kanyang karera bilang aktres at sa magandang daloy ng kanyang family life umaani ng tagumpay si Judy Ann Santos, kundi pati na rin sa kanyang pinasok na negosyo, ang pagri-restaurant.
Nagbahagi si Juday sa kanyang Instagram post ng throwback video ng pagsisimula ng kanyang unang restaurant business, ang “Angrydobo” sa Manila.
Dito sinabi ng aktres kung gaano tinangkilik ng mga tao ang kanyang mga luto, na umabot pa sa mga pagkakataong nagkukulang sila ng mga supply sa rami ng mga kumakain sa kanila, kaya kinakailangan nilang magsara muna nang isang araw.
Sa post ay nagpaha-ging si Juday sa posibleng pagbubukas ng bagong branch sa may South area na hindi pa niya sinasabi ang exact location.
Pinasalamatan ni Juday ang mga taong tumulong sa kanya na itayo ang resto, lalo na ang kanyang asawang si Ryan Agoncillo na motivator niya sa project na ito.

***
Rufa Mae tindera na ng wine

Isa pa ang napipintong magiging abala sa kanyang business ay si Rufa Mae Quinto na nag-poste ng certificate of trading sa kanyang IG wall mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Nakasaad ang designation ng business ni Rufa Mae bilang food impor-ter. Sa caption, sinabi ni Rufa Mae na magtutuloy-tuloy na ang pag-i-import nila ng mga wine mula sa Amerika, na may pangalang “Alexandria”, na hango sa pa-ngalan ng kanyang only child.
Ipinaliwanag ni Rufa Mae kung bakit ang pangalan ng trading business niya ay “Q.A.M.”. Kuha ito sa mga pangalan nila ng kanyang anak at asawa. Ang “Q” ay Quinto. Ang “A” ay Alexandria. At ang “M” ay apelyido ng asawa niyang si Trev Magallanes.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy