Una sa Balita

Class suit isasampa sa Close-up concert organizer

By
0 4

Magsasampa umano ng ‘Class suit ’ ang pamilya ng tatlo sa limang biktima na nasawi sa naganap na ‘Close-up Forever Summer’ na ginanap sa Mall of Asia (MOA) noong Mayo 21, sa Pasay City.

Nabatid na ang pamil­ya ng biktimang si Bianca Fontejon, Ariel Leal at Ken Migayawa ,kasama ang kanilang mga abogado ay nagtungo sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) para pag-usapan ang pagsasampa ng kaso sa event organizer.

Sinabi ni Atty.Ariel Radoval na nangyari ang pagkamatay ng mga biktima sa event at inimbita sila na manood ng concert kaya may pananagutan sila sa mga nasawi.

Matatandaan sa resulta ng awtopsiya ng NBI medico legal, dalawa sa mga biktima ang nagpositibo sa MDMA mytheline homolog at synthetic cathinon.

Sinabi naman ni Atty. Odon Gabriel, abogado ng Close-up na patuloy silang makikipagtulungan sa NBI para malaman ang katotohanan sa kabila ng wala pang pormal na kaso.

Kaugnay nito nalaman na tatapusin na ng NBI ang imbestigasyon sa loob ng dalawang linggo dahil hinihintay pa nila ang testimonya ng iba pang testigo.