Una sa Balita

Clarkson pinayagan na sa Asiad

By
0 1,285

WALA nang makapipigil pa sa paglalaro ni Jordan Clarkson para sa pambansang koponan sa magbubukas na 18th Asian Games. 

Ito ay matapos ihayag ni Team Pilipinas chef de mission Richard Gomez ang pagpayag ng National Basketball Association (NBA) na tuluyang paglaruin si Clarkson para sa Pilipinas sa unang pagkakataon sa kada apat na taong multi-sports na torneo na magbubukas simula Agosto 18 at magtatapos sa Setyembre 2. 

“NBA gave the nod allowing JC (Jordan Clarkson) to play at the AG (Asian Games),” mensahe ni Goma. 

“We will have to plead to INASGOC (Indonesia Asian Games 2018 Organizing Committee) and OCA (Olympic Council of Asia) for his re-entry to play. JC will take the earliest flight available to Jakarta to make it to our game against Kazakhstan. Thanks,” sabi pa nito.

 Una nang napilitan ang delegasyon ng Pilipinas sa isinagawang delegation registraion meeting (DRM) na alisin si Clarkson sa pinal na 12 kataong lineup ng basketball team matapos na sabihan ng NBA na hindi ito maaaring makapaglaro.

Una nang pinalitan ni Don Trollano ng TNT si Clarkson subalit asam ni Gomez na pumayag muli ang OCA at INASGOC na palaruin ang Fil-American na point guard ng Cleveland Cavaliers.