Una sa Balita

Clarkson Pilipino base sa Konstitusyon – Guiao

By
0 759

ISANG Pilipino ang Cleveland Cavaliers star na si Jordan Clarkson kung pagbabatayan ang ­Konstitusyon ng Pilipinas.

Ito ang sinabi ni dating Pampanga congressman at ngayon ay Philippine men’s basketball coach Joseller ‘Yeng’ Guiao bago pa man makapaglaro ang dating Los Angeles Lakers guard sa National team sa nakaraang 18th Asian Games.

“As I’ve told you before, dapat natin na ipaglaban na maka­laro bilang locals hindi lamang si Clarkson, kundi pati na sina Christian Standhardinger at Stanley Pringle dahil sila ay purong mga Pinoy,” sabi ni Guiao.

Ipinaliwanag ni Guiao na nakasaad mismo sa Konstitusyon ng Pilipinas na ang isang bata sakali man na may isang Pilipinong ama o ina na kasal sa isang banyaga ay kinokonsidera sa batas na may dugong Pilipino at isang Pilipino.
“Pinoy sila kaya dapat sila na makalaro as locals,” sabi ni Guiao.

Kakaiba ang isang naturalized na player na talagang dayuhan at walang dugong Pilipino bagaman binigyan lamang ito ng karapatan na makilala bilang isang Pilipino sa pamamagitan ng batas.

Matatandaan na matagal nang ipinaglalaban ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na makikilala at mabigyan ng permiso ang 6-foot-5 Fil-American limang taon na ang nakalilipas para bitbitin ang bandila ng Pilipinas.

Isa pa sa kinokonsidera ni Guiao, na nakapagpasa ng mara­ming batas bilang isang Kongresista, na si Clarkson, na ang ina ay mula sa Angeles City, ay mayroon na mismo na Philippine passport sa edad pa lamang na 12.

Nagsumite na rin ang SBP noon pa 2015 ng mga dokumento sa SBP na world basketball gover­ning body para nito mapatunayan ang pagiging Pilipino ni Clarkson base sa isinasaad sa Konstitusyon subalit hanggang sa kasalukuyan ay walang aksiyon ang FIBA.

“Dapat talaga ipaglaban dahil nasa Konstitusyon naman natin nakasaad ang pagiging Pilipino nila,” sabi ni Guiao.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy