Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Clarkson pasabog sa Jazz

0 314

PINANGUNAHAN ni Fil-Am guard Jordan Clarkson ang Utah Jazz 106-104 panalo kontra New Orleans Pelicans kahapon sa pagpapatuloy ng 2019-2020 season sa Disney World sa Orlando, Florida.

Sumabog si Clarkson ng 23 points, limang rebounds at tatlong assists habang may tig-20 puntos naman sina Donovan Mitchell at Mike Conley.

Umahon ang Jazz sa 16 puntos na pagkalubog upang maungusan ang Pelicans.

Sa huling segundo ng laban, na-ipasok ni Jazz big man Rudy Gobert, unang NBA player na timaan ng COVID-19, ang dalawang free throws upang iselyo ang panalo. (JAT)

Leave A Reply

Your email address will not be published.