Una sa Balita

Clarkson nagpasiklab kontra Kawhi, Clippers

0 505

KINAKAPA pa ni Jordan Clarkson ang sistema ng Utah, pero hindi ibig sabihin na manonood lang siya sa isang tabi.

Umiskor ang Fil-Am guard ng 19 points at pinatahimik ng Jazz ang Los Angeles Clippers 120-107 Sabado ng gabi.

Tulad ng nakagawian, giniyahan ng 30 points ni Donovan Mitchell ang Utah.

“These guys are just talking to me, a lot, just ­giving me pointers on calls and everything so that’s helping me come along fast,” ani Clarkson, ­nakakadalawang laro pa lang sa Jazz matapos ­ma-trade mula ­Cleveland.

Off the bench na tumikada ng 7 of 13 mula sa field si Clarkson. Inumpisahan niya ang season sa ­average na 14.6 points sa Cavaliers.

Hindi umubra ang 20 points ni Kawhi ­Leonard at 19 pa ni Paul George sa Clippers.

Nilista ng Jazz ang last 11 points ng laro para selyuhan ang ­panalo, hindi pinaiskor ang LA sa final 3:35. Apat na field goals lang ang nai-convert ng Clippers sa final period.

May 17 points pa si Bojan Bogdanovic sa Jazz, 15 kay Joe Ingles.

Mula 3-point range ay 4 for 5 si Clippers guard Landry Shamet at naging sixth-fastest player na naka-200 3-pointers sa ­kasaysayan ng NBA.
May clip siyang 202 for 483 mula long distance sa dalawang seasons sa Philadelphia at LA. (Vladi Eduarte)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More