Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Clarkson nagpasikat, Jazz tinisod Pistons

0 306

Nakipagsanib puwersa si Fil-American Jordan Clarkson kina Donovan Mitchell at Mike Conley Jr. upang akbayan ang Utah Jazz sa 96-86 panalo kontra Detroit Pistons kahapon sa 2020-21 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Sumabay sa opensa si Clarkson matapos magtala ng 18 points at apat na rebounds para sa Utah na may 6-4 karta.

Pero hindi nasiyahan si Jazz head coach Quin Snyder sa pagre-relax ng kanyang mga bataan nang makalamang sila ng 20 puntos.

Unti-unting nalulusaw ang kanilang malaking bentahe kaya naman tumawag ng timeout si Snyder at pinaalalahanan ang kanyang players.

“There’s nothing on the clipboard X’s and O’s-wise that was going to change the game,” hayag ni Conley. “He put it on us. He’s not drawing up a play. He put it on us to go out there and play hard.”

Tangan ng Jazz ang 17-point lead, 57-40 sa halftime pero naibaba ito ng Pistons sa anim, 74-68 sa pagtatapos ng third.

Rumesponde agad ang Jazz sa paalala ng kanilang coach kaya naman nakuha nila ang importanteng panalo.

Namuno sa opensa para sa Utah si Mitchell na may 28 markers habang 22 ang inambag ni Conley. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.