Una sa Balita

Clarkson may 4 na araw para makipag-amuyan sa PH Team

By
0 552

MAY apat na araw si Jordan Clarkson para magamay ang sistema ni coach Yeng Guiao, at makipag-amuyan sa mga magiging kakampi niya sa Team Pilipinas.

Third quarter ng 96-59 blowout win ng Filipinos sa Kazakhstan kahapon ay dumating sa Gelora Bung Karno Sports Complex ang ­Fil-Am.

Mula Jakarta airport, dumiretso ang Cleveland Cavaliers guard sa venue at agad nakiupo sa bench para mag-obserba.

Umugong ang arena nang i-pokus si Clarkson, nakasuot ng itim na hoodie. 

Sa Aug. 21 unang sasalang si Clarkson laban sa China at dalawang kapwa NBA player niyang­ sina Houston Rockets center Zhou Qi at Dallas Mavericks forward Ding Yanyuhang.

Ang tatlo ay binigyan ng NBA ng ‘one-time only’ exemption para maglaro sa 2018 Asian Games. Hindi kasama ang Asiad sa mga tournament na napagkasunduan ng liga at ng FIBA na puwedeng paglaruan ng mga active player ng NBA.

Wala namang nakikitang problema si Guiao sa paggamay ni Clarkson sa laro ng Gilastopainters.

“Kung kasing galing naman ni Clarkson makakasama mo, siguro that’s a good problem blen­ding him,” lahad ni Guiao.