Una sa Balita

Clarkson markado ang puso sa PH pagbalik ng NBA

By
0 487

PINATUNAYAN ni Jordan Clarkson na taglay niya nga ang “Puso” na isinisigaw niya sa bawat huddle ng Team Pilipinas.

Todo-bigay si Clarkson sa unang salang niya bilang miyembro ng Team Pilipinas sa 2018 Asian Games, ins­trumento kaya nakuha ng bansa ang fifth place finish sa men’s basketball.

Sa huling laro suot ang red-white-and-blue, nagsumite ang Fil-Am ng 29 points at 6 assists para tulungan ang Pilipinas sa 109-55 pagmasaker sa Syria sa battle-for-fifth nitong Biyernes ng gabi.

Abante Hiring – IT dep

Pagkatapos ng laro, kinuha ni Clarkson ang mikropono, pumagitna sa hardcourt ng Gelora Bung Karno Stadium at pinasalamatan ang supporters, pati ang Pilipinas sa pagbibigay sa kanya ng tsansa na makalaro sa National team.

“I just want to say, thank you. It’s been a blessing and an opportunity to play in this Asian Games,” pahayag ni Clarkson.

“It has been a great experience, just being able to come out here, support my country and the flag, thanks for everybody’s support all the way through, thanks for everybody who competed, and all the finishers, finish out and God Bless. Thank you.”

Sa apat na laro sa Jakarta, nag-average si Clarkson ng 26 points, 6.5 rebounds, 5.5 assists at 1.0 steals kontra 0.7 turnovers. Mula sa field ay 46.0 percent siya, 39.0 percent sa 3-point range.

Bago bumalik ng US para ituloy ang kampanya sa Cleveland Cavaliers sa NBA, may pahabol pa si Clarkson (@jordanclarksons) sa Instagram.

“This experience was one I will never forget so blessed to play for the country and represent the flag and people! I loved playing for coach, along with my teammates/brothers buil­ding the bonds that will hold strong. thanks for the opportunity and the support! MORE TO COME! CANT WAIT FOR THE NEXT TIME I GET TO PUT THE CO­LORS ON! LABAN PILIPINAS! PUSO!”