Una sa Balita

Clarkson malaking ayuda sa PH Team

0 458

DESISYON ng FIBA na i-classify si Jordan Clarkson bilang naturalized kung paglalaruin siya sa Gilas Pilipinas.

Napakaraming nakikialam, nagmamagaling na malamang mas maganda ang kampanya ng Pilipinas sa World Cup kung nakapaglaro ang Cleveland Cavaliers guard.

Pero kailangang sumunod ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa panuntunan ng world governing body ng sport.

Alam ng lahat, na lahat din ng paraan ay ginawa ng SBP.

Lahat ng klase ng apela, paliwanag.

Pero ang rules ay rules. Hindi natinag ang FIBA sa desisyon, walang magagawa.

May paliwanag ang SBP, may itinuturo ding panuntunan ang FIBA.

Una rito ay ang rule na bago tumuntong sa edad 16 ang isang player na may dugong banyaga ay kailangang may hawak na siyang passport ng bansang gusto niyang paglaruan para maikonsiderang local.

Ganito rin ang kaso nina Stanley Pringle at Christian Standhardinger, kaya kung maglaro sa national team ay bilang naturalized players.

Maraming siguro at baka, kawing-kawing na opinyon kung ano ang posibleng nangyari sa kampanya ng Pilipinas sa China kung nakapaglaro si Clarkson.

Baka naka-isang panalo? Baka nakausad?

Puro baka at siguro lang. walang nakakaalam.

Napakalaking bagay ni Clarkson. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy