Una sa Balita

Clarkson katropa na si James

By
0 3,394

DUMIDISKARTE na ang Cleveland Cavaliers para hindi layasan ni LeBron James, nagdagdag ng matitinik sa wings kasama si Fil-Am guard Jordan Clarkson.

Pinakawalan ng Cavs si Isaiah Thomas, nasa pangatlong team na niya sa loob lang ng isang taon papunta sa Los Angeles Lakers kapalit nina Clarkson at forward Larry Nance Jr.

Ayaw ng Cleveland na alisan sila ni James kapag naging free agent na pagkatapos ng 72nd (2017-18) season.

Isinama rin ng Cavs sa move sa NBA trade deadline nitong Huwebes si Channing Frye at 2018 first-round pick.

August 2017 nang hugutin ng Cleveland si IT mula Boston kapalit ni Kyrie Irving.

Galing right hip injury, naka-15 games lang sa Cavs si Thomas at nag-average ng 14.7 points, 4.5 assists at 2.1 rebounds sa 27.1 minutes.

Hindi pa bumabalik ang dating eksplosibong atake ni Thomas, hindi agad naibigay ang hinahanap na larong aayuda kay LeBron. Mula nang maglaro si IT ay 7-10 ang Cavs.

Drafted noong 2014 si Clarkson, sa sumunod na taon si Nance Jr., at ginugol ang buong career sa Lakers. Dagdag-size sa backcourt ng Cavs si Clarkson (6-5) na nag-a-average ng 14.5 points, 3.3 assists at 3.0 rebounds off the bench.

“Much luv to @JordanClarksons and @Larrydn22 two of my fav young guns. Do great things! You know where to find me should you need anything,” tweet ni Lakers great Kobe Bryant sa kanyang account.