Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Clarkson, Jazz pinisak Hornets

0 64

Nag-take charge si Jordan Clarkson sa fourth quarter para giyahan ang kalas ng Utah Jazz tungo sa 132-100 panalo laban sa Charlotte Hornets nitong Lunes.

Ipinagdiinan ng Fil-Am na bahay niya ang Vivint Smart Arena sa Salt Lake City, may partisipasyon sa first 11 points ng Jazz sa period nang kumalas mula sa ga-buhok na 91-90 lead pagkatapos ng three.

Nag-assist si Jordan kay Rudy Gobert bago nagbaon ng 3. Isa pang assist kay Georges Niang na sinundan ng isa pa ulit tres.

Overall, nagpasok ng franchise record na 28 3-pointers ang Jazz.

Lahat ng tig-21 points nina Niang at Joe Ingles ay kinubra sa rainbow country.

Nakalimang tres si Clarkson na tumapos ng 20 points. Naghulog din ng apat na tira mula long range si Mike Conley tungo sa 15 points.

Pinangunahan ng 23 points, 8 assists ni Donovan Mitchell ang Utah.

May pinagsamang 62 points sina reserves Ingles, Niang at Clarkson. Humablot ng 12 rebounds si Gobert palamuti sa kanyang 10 points.

Nagsumite ng tig-21 points sina LaMelo Ball at Gordon Hayward para sa Charlotte. (VE)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.