Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Clarkson, Jazz pinapak Nuggets

0 144

BUMALIK sa lineup ng Utah si Rudy Gobert para magsumite ng double-double na 18 points at 19 rebounds at kinubabawan ng Jazz ang dinayong Denver Nuggets Linggo ng gabi sa Pepsi Center.

Galing health and safety protocols si Gobert, ang unang NBA player na nag-positive sa COVID noong March 2020 dahilan para suspendihin ang mga laro.

Pinamunuan ng 31 points ni Donovan Mitchell ang Utah (29-14), may 21 si Bojan Bogdanovic at 16 pa kay Jordan Clarkson off the bench.

Nilista ni Nikola Jokic ang pangalawang sunod na triple-double sa 25 points, 15 rebounds at 14 assists pero naubusan ang Denver (22-20) sa fourth quarter nang ma-outscore 34-14.

Kinumpleto ni Jokic ang 66th career triple-double, siyam ngayong season para akbayan si Russell Westbrook sa may pinakamarami.

Nasa bench si Jokic sa umpisa ng fourth, sinamantala ng Jazz para ilista ang first 11 points ng period – bahagi ng 15-0 run na tumawid mula third.

Inilapit ng jumper ni Jokic sa 103-93, muling sinindihan ni Mitchell ang 10-2 run ng Utah. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.