Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Clarkson, Jazz diniskaril Spurs

0 33

MUKHANG nasagad ang San Antonio sa 113-111 overtime loss sa Philadelphia noong Linggo, muling tumukod ang Spurs sa Utah 110-99 kinabukasan.

Nagsumite ng 25 points, 15 rebounds si Rudy Gobert, dinagdagan ng 25 points ni Bojan Bogdanovic para ibalik ang Jazz (47-18) sa unahan ng Western Conference.

Matikas ding 16 points, 6 rebounds at 5 assists ang kontribusyon ni Jordan Clarkson off the bench, may 13 markers at 9 dimes si Joe Ingles sa Utah.

Hindi pa rin naglalaro ang kamador ng Jazz na si Donovan Mitchell (sprained right ankle), sa susunod na linggo ay ire-re-evaluate pa ng team ang kanyang injury.

Binitbit ng 22 points ni DeMar DeRozan ang San Antonio, sa 31-33 card ay natengga sa 10th spot sa West at kumakapit sa cutoff ng play-in pagkatapos ng 72-game season.

Umayuda ng 17 points, 7 rebounds si Rudy Gay.

Dinomina ng Jazz ang boards 50-37 at points in the paint 66-46.

Nagpundar ang Jazz ng 60-43 lead sa halftime, hindi na nila pinakawalan. (VE)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.