Una sa Balita

Clark International Airport patatakbuhin ng mga Gotianun, Gokongwei

0 724

Pinirmahan na kahapon ng Bases Conversion and Development Authority ang concession agreement para sa Clark International Airport.

Ayon sa Filinvest Development Corporation, isa sa mga kompanyang bumubuo ng North Luzon Airport Consortium, pinirmahan na ng NLAC at BCDA and concession agreement na nagbibigay sa kanila ng karapatan at negosyo para sa maintenance and operations ng Clark International Airport sa loob ng 25 na taon.

Ang Filinvest ay pag-aari ng pamilya Gotianun at kasama nila sa NLAC ang JG Summit Holdings Inc. ng mga Gokongwei na siya ring may-ari ng Cebu Pacific. Kasama din sa consortium ang Philippine Airport Ground Support Solutions Inc. at Changi Airports Philippines Pte. Ltd ng Singapore.

Kasalukuyang nakikipag-usap pa ang Clark International Airport Corp. sa unyon nito sa tulong ng Department of Labor para sa pagpasok ng consortium. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy