Una sa Balita

Clark airport contractor kasuhan — Sherwin

0 253

MALINAW na may dapat managot sa pagkasira ng Clark International Airport (CIA) matapos ang magnitude 6.1 lindol noong Lunes.

Ito ang binigyang-diin ni Senador Win Gatcha­lian kasabay ng pagkuwestyon sa kalidad at tibay ng paliparan.

“Yes, they should be liable. One, if it is 6.1 earthquake, our Building Code calls to withstand 8.0 magnitude earthquake so bakit at 6.1 ang laki ng damage?” saad ni Gatchalian.

Iginiit ng senador na mahalagang pasilidad ang airport kaya’t dapat ay natitiyak ang kaligtasan nito sa lahat ng oras.

“Again, airport is a vital installation. 1,000 plus flights got cancelled, almost 200,000 passengers got stranded, just imagine ‘yung mga OFW na uuwi na sa kanilang mga trabaho ay napinsala pa lahat? So the contractor needs to be answerable to this,” dagdag ng senador.

Kasabay nito, iginiit ng mambabatas na dapat tutukan ng mga ahensya ng gobyerno na nagsasagawa ng inspeksyon matapos ang lindol ang mga vital installation tulad ng aiports at power plants.

“I think the Phivolcs has a very comprehensive checklist and process on the post-earthquake analy­sis. Ako ang gusto kong i-focus ay ang mga vital installation gaya ng airports, MRT/LRT, power plants—these are very important kaya dapat tumatakbo ito no matter what happens,” diin pa ng mambabatas.

Inihalimbawa pa ng senador ang pagkabalam ng serbisyo ng MRT kung saan marami ang agad na naistranded.

“The facilities should be reviewed, a magnitude 8.0 earthquake is enough or maybe in the future we can raise it to a higher magnitude so that these facilities can function even with this type of magnitude,” dagdag pa nito.

Samantala, nabatid na full operational na ang Clark airport kahapon.

Sa nakalap ng impormasyon mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), ang CIA ay binuksan kahapon nang hapon makaraang pansamantalang isara ito sa flight operation noong Lunes nang gabi dahil sa magnitude 6.1 na lindol na tumama sa Luzon.

Ayon sa ulat, sinabi ni CIA Corporation president Jaime Melo na magiging fully operational ang paliparan bandang alas-kuwatro nang hapon matapos na kumpirmahin nito na ang lahat na pasilidad ng airport ay ligtas sa operasyon. (Dang Samson-Garcia/Lorraine Gamo/Otto Osorio)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy