Una sa Balita

Clarice Patrimonio, biktima ng politika!

0 476

“HINDI na problema iyan,” ang natutuwang sagot ni PBA Commissioner Willie Marcial sa isyu ng ‘incentive o token’ para sa mga player at coaching staff na sasabak sa Asian Games.

Matapos nga naman kasi ang napakada­ming isyu na hinarap at pinagdaanan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), PBA, at iba pang ahensya na nasa likod ng Philippine team, finally ay committed na uli tayo sa Asian Games.

Kaya naman among other important stuff that goes with it, isa sa mga sinisigurado nila na ‘pampered at hindi na mag-worry’ ang mga nasa team tungkol isyung pinansyal.

“That’s actually the least among our problems. Very cooperative at supportive ang napakadaming groups para sa team. Basta sa ngayon, yung magandang camaraderie, focus at ability ng team na lumaban at manalo, yun ang importante,” sey pa ni Kume Marcial.

In fact, isa nga daw sa winu-work out nila ang makasama sa koponan ang NBA Fil-am cager na si Jordan Clarkson.

Malaki umano ang maiaambag ni Clarkson hindi lang sa loob ng court kundi maging kahit na ang liderato at simpleng presence nito. “Sana, sana makuha natin at pumasa sa requirement ng Asiad,” hirit pa ni Kume.

At dahil all-out ang support ng parehong SBP at PBA, majority nga daw sa mga opis­yales nito ang tutungo sa Jakarta, Indonesia to support and cheer for Team Pilipinas.

***
Bilang isang ina, dapat lang naman talagang mag-react ang kumare naming si Cindy Patrimonio sa hindi pagkakasama ng inaanak naming si Clarice sa national team na naghahanda naman for the SEA Games para sa larong tennis.

Champion player ng bansa si Clarice at nakapag-represent na siya ng bansa sa Asian Games (nanalo ng medal) at nagku-compete din sa ibang international tourney.

Malaking sampal nga naman na bigla siyang niligwak at wala sa lineup gayong ‘yung ibang wala pang napatunayan o baguhan ang isinama umano sa team?

Considering the ‘legacy’ na dala-dala ng pangalang Patrimonio sa mundo ng basketball, nakakalungkot malamang nabibiktima pa rin sila ng politika.

Sinubukan na­ming kunan ng pahayag ang nasa likod ng SEA Games tennis NSA, pero wala kaming nakuhang sagot.

Sa ngayon, naghahanda ang inaanak namin para sa papara­ting niyang beauty contest na Mutya ng Pilipinas, para pansamantalang ituon ang focus sa advocacy na nais niyang isulong.