Una sa Balita

CJ Perez ng Lyceum, swak sa mythical

By
0 745

Swak sa Mythical Team ang pambato ng Lyceum of the Philippines University na si CJ Perez sa Chooks-to-Go Collegiate Basketball Awards na gaganapin ngayong gabi sa The Bayleaf Hotel sa Intramuros.

Makakasama ni reigning NCAA Most Valuable Player Perez na mabibigyan ng award sa Mythical Team sina Ro­bert Bolick ng San Beda, Thirdy Ravena at Matt Nieto ng Ateneo at Ben Mbala ng La Salle.

Binitbit nila ang kanilang koponan sa nakaraang season kaya naman walang dudang napili sila ng UAAP-NCAA Press Corps para parangalan sa event na suportado ng Chooks-to-Go at The Bayleaf Hotel.

Si Perez ang naging pangunahing armas ng Pirates upang tulungan ang LPU na sumampa sa championship round at maglista ng 18-0 sa elimination round.

Nabigo ang Lyceum sa San Beda College Red Lions sa finals.

Bukod sa lima, pararangalan din ang Collegiate Player of the Year kasama sina Donald Tankoua (San Beda), at Isaac Go (Ateneo), para sa Pivotal Player awards.