Una sa Balita

CJ Perez nasa radar ng Columbian Dyip

By
0 261

ASAHANG mapopokus lahat ng atensiyon ng mga team sa PBA Annual Draft sa Dec. 16 kay Jaymar ‘CJ’ Perez, Fil-Am forward ng Lyceum University.

Kasama si Perez, NCAA Season 93 MVP, sa pitong Fil-foreign players na nagparamdam na gusto nang mag-professional.
Ang iba pa ay sina Matthew Salem, Carlos Isit, Paula Varilla, Robbie Manalang, Trevis Jackson at John Ragasa na lahat ay naglalaro sa NCAA at UAAP.

At siyempre pa, unang-­una nang nagpahayag na susungkitin si CJ sa draft ang Colum­bian Dyip na sa ikalawang sunod na taon ay unang pipili ng players dahil sa kanilang pinakamababang ‘win-loss record’ sa matatapos nang season ng PBA.
May katuwiran naman ang Columbian Dyip na kunin si Perez dahil kung tutuusin, ito lamang ang player na pinakamatangkad at masasabing may pontensiyal na nasa pool ngayong taon.

Naglaro na ang 6-foot-3 forward na si Perez sa National Team sa 2016 FIBA Asia Challenge sa Tehran, Iran at inaasahang malaking bagay siya sa gagawing pagpapalakas ng Columbian Dyip sa paparating na PBA 44th season.

Noong nakaraang taon, sa Columbian Dyip din sana mapupunta ang Fil-German na si Christian Standhardinger pero ipi­namigay ang first pick nito sa San Miguel Beer.

Ang aksiyong ito ang naging daan kaya sinibak si Chito Narvasa bilang commissioner ng pro-league.
Pero sa ilalim ng panunungkulan ni Willie Marcial, malabo nang mangyari ito dahil sa bumuo na ito ng komite na sasala at mag-aaral kung makatuwiran ang trade ng mga player.

Bukod kay Perez, inaasahang ookupahin nina Bobby Ray Parks at Robert Bolick ang top three picks sa draft.
Ang number two at three picks ay maaa­ring mapunta sa Blackwater o sa Meralco, depende sa kalalabasan ng kanilang standing sa pagtatapos ng ongoing Governors’ Cup.