Una sa Balita

CJ Perez nangalabaw; Lyceum Pirates, 11-0

By
0 215

Mga Laro sa Martes:
(FilOil Flying V Center)
2:00 p.m. – Letran vs San Beda
4:00 p.m. – CSB vs San Sebastian

NAKATIKIM ng matinding laban ang last year’s runner-up Lyceu­m of the Philippines matapos ang pahirapang panalo laban sa Jose Rizal University 82-74 kahapon sa 94th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Center, San Juan.

Muling nangalabaw si reigning Most Valuable Playe­r (MVP) CJ Perez, nagtala ng 30 points at 16 rebounds para sa Pirates na malinis ang karta sa 11 laro.

Nahirapan sa buong laro ang Intramuros-based squad Pirates kung saan ay nalama­ngan pa sila ng Heavy Bomber­s sa third quarter, 56-58.

Subalit nanatili ang tikas ng league leader LPU nagtulu­ngan sa fourth period si Perez, Mike Nzeusseu at MJ Ayaay para ipalasap sa Jose Rizal ang pang-siyam na talo sa 11 laro.

“They (JRU) played well, but we found a way to get back. Sometimes, you’re gonna have a bad day, but we’ll still take this win,” hayag ni head coach Topex Robinson.

Nagtala si Nzeusseu ng 14 puntos habang may 12 si Ayaay para sa LPU na lumalapit sa pag-ulit ng 18-game elimination round sweep.

Namuno sa opensa para sa JRU si MJ dela Virgen matapos ilista ang 18 markers.

Ayaw rin mag paiwan sa team standings ang defending champion San Beda University, sinakmal nila ang 80-55 panalo laban sa Mapua Univeristy sa pangalawang laro.

Tumipa si Donald Tankou­a ng 24 pts. para tulungan ang Red Lions na itarak ang 10-1 card at palakasin ang kapit sa second spot.