Una sa Balita

CJ Perez kamador ng Zark’s Burger-Lyceum

By
0 969

Madaling nakapag-adjust sa bagong kapaligiran ang Zark’s Burger-Lyceum, pinagdiskitahan ang Batangas-EAC, 112-75, nitong Martes para bumangon agad sa PBA D-League Aspirants Cup sa Pasig Sports Center.
Sa opening day noong Enero 18 ay nasorpresa ang Jawbreakers sa Marinerong Pilipino, 94-92.

Ayon kay Zark’s Burger coach Topex Robinson, kailangan na lang nilang ituloy ang naka­gawiang angas na nagdala sa team sa Finals ng nakaraang NCAA 93.

“Medyo adjusted na kami on everything, the calls and the teams we’re playing against,” ani Robinson.

Abante Hiring – IT dep

Nagpundar ng 48-33 lead sa break ang Jawbreakers, inilayo pa sa 84-47 pagkatapos ng three at itinuloy hanggang kumpletuhin ang 37-point romp.

Tatlong players ni Robinson ang nagsumite ng double-double sa pa­ngunguna ng 21 points at 10 rebounds ng kamador na si CJ Perez.

May 15 points at 10 rebounds ni MJ Ayaay, tumapos ng 14 points at 11 rebounds si Came­roonian Mike Nzeusseu. Umayuda ng 12 si Jaycee Marcelino para sa Lyceum.