Una sa Balita

CJ Perez inspirado, NCAA-PC Player of the Week

By
0 560

MARAMI ang nagtataas ng kilay kapag naririnig na mauulit ng Lyceum of the Philippines ang 18-0 elimination sweep noong nakaraang taon sa NCAA men’s basketball ­tournament.

Sa nagaganap na 94th season, winalis ng Pirates ang limang nakatunggali sa double elims round kaya naman solo nila ang tuktok ng team ­standings.

Ito’y dahil sa tikas na ipinakikita ni reigning Most Valuable Player, (MVP) CJ Perez.

Inukit ni Perez ang career-high 31 points upang pasanin ang Pirates sa come-from-behind 82-65 win kontra tigasing Arellano University noong Martes, umahon sila sa 16-point pagkakalubog sa kaagahan ng laro.

Pagkatapos ay muntikan pa sa triple-double si Perez nilista nito ang 19 markers, siyam na rebounds at walong assists sa 94-81 panalo laban sa Mapua U makalipas nang tatlong araw.

Kaya naman walang dudang hinirang siya na Chooks-to Go NCAA Press Corps Player of the Week award para sa July 22 hanggang 28.

Para kay Perez, maganda ang nilalaro niya dahil sa tulong ng kanyang mga kakampi at sa tiwala ng kanyang mentor na si Topex Robinson.

“Syempre na-inspire ako sa pagbibigay ng kumpiyansa sa’min ni coach. Hindi ko rin magagawa ‘yun kung ‘di dahil sa mga teammates ko. ‘Yung collective effort talaga ang key doon kaya ako nakakagawa ng ganoon,” saad ni Perez.

Sa huling dalawang laro ni Perez, nag-ave­rage siya ng 25 markers, 7.5 boards, seven dimes at apat na steals.

Inungusan ni Perez sina Prince Eze ng host Perpetual, Robert Bolick ng San Beda, Levi Dela Cruz ng Arellano at teammate Mike Nzeusseu sa weekly citation na i­binibigay ng mga print at online writer na nagko-cover ng collegiate league.