Una sa Balita

Cj kapalit ni Greg: Chismax lang!

0 344

WALANG katotohanan ang mga lumalabas na ulat na ite-trade ang 2019 overall first rookie pick mula Columbian Dyip na si CJ Perez.

Balitang ite-trade ang top pick ng Dyip kapalit ni Barangay Ginebra Gin Kings center Greg Slaughter.

Pero binaterya agad ito ni Commissioner Willie Marcial Huwebes nang hapon, na sinabing wala pang ganitong proposal na nakakarating sa kanyang tanggapan.

“Walang anuman na papeles,” sabi ni Marcial, kung saan nakatakda itong makipag-usap sa bumubuo ng PBA Board of Governors hinggil naman sa ipinasang proposal ni Philippine men’s basketball head coach Joseller ‘Yeng’ Guiao para sa nalalapit na pagsabak ng pambansang koponan sa 2019 World Cup na gaganapin sa China.(Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy