Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

CJ galit sa bully

0 286

SUPORTADO ni PBA sophomore CJ Perez ng Columbian Dyip ang laban ng buong mundo kontra racism.

Isa si Perez sa mga atletang nagbigay ng suporta sa paghingi ng hustisya sa pagkamatay ng black man na si George Floyd sa kamay ng isang pulis sa Amerika.

“Actually ’yung mga ganu’ng bagay (racism) hindi lang naman sa States nangyayari, meron ring sa iba-ibang bansa. Minsan kasi ’yung bullying ng mga ibang color, parang ganun ’yung nangyari dun. And nakakalungkot kasi, ‘di ba, matagal nang issue ’yun sa States,” kwento ni Perez.

Aniya, sa kanyang munting paraan ay ipinapakita niya ang suporta laban sa diskriminasyon.

“Sila (Chris) Newsome, Gabe Norwood, sila Mo (Tautuaa), Stanley (Pringle). Sila ’yung taga-States talaga na naapektuhan. ’Yung support ko talaga sa kanila is 100%,” dagdag ni Perez.

“Huwag nila isipin ‘yung mga ibang tao na nambu-bully sa kanila kasi hindi naman sila ’yung tutulong sa kanila para mag-grow.” (Ferdz Delos Santos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.