Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

CJ, Corpuz pakner sa inuman

0 231

ISANG taon din nagkasama sina Jackson Corpuz at CJ Perez sa parehong koponan bago mapunta sa SMC teams, nagkasama ang dalawa sa Terrafirma Dyip, naging parte ng team ang una noong 2017 habang ang huli naman ay 2019.

Ngayon ay magkalaban na sa loob ng court ang dalawa, si Corpuz sa Magnolia Hotshots habang sa San Miguel Beermen napadpad si Perez.

Pero kahit hindi na magkasama sa iisang koponan, magkakampi pa rin ang dalawa pagdating sa inuman.

“Magkaiba man tayo ng team magkalaban tayo sa court pero pagdating sa inuman magkaibigan tayo,” sambit ni Corpuz sa kanyang post na sinagot ni Perez ng “labyou jackson.” (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.