Una sa Balita

CJ Cansino Punggok dati, main man ngayon ng UST

By
0 278

NORMAL na nais ng isang basketball player na maging sikat na manlalaro at sundan ang yapak ng mga magulang.

Inamin niya na natuto lamang siyang maglaro ng basketball noong siya ay walong taong gulang. May maliit na basketball court na malapit sa bahay nila sa Valenzuela City pero hindi siya naglaro ng competitive basketball hanggang tumungtong siya noong third year high school.

“Hindi talaga ako nakakalaro ng as in larong basketball kasi first year, ­second year ‘ata masyado akong ­maliit, mga 5’2” lang siguro ako nu’n. Nu’ng third year to fourth year na ako, du’n na ako lumaki kaya du’n ako nakapasok din ng varsity tapos nagtuloy-tuloy na siya,” kuwento nito.

Kinuha siya ng Mapua noong siya ay third year ngunit bumalik siya sa De La Salle Araneta University ipang maglaro sa isang liga sa Malabon.

Pagkatapos niya ng junior high school, nag-tryout siya sa Far Eastern University at sa University of Santo Tomas ngunit hindi siya natuloy para sa Tamaraws.

“Una, nag-tryout talaga ako sa FEU pero magulo lang talaga kaya hindi ako natuloy du’n. ‘Yung daddy ko may kakilala siyang player tapos tinanong kung gusto ko ba daw mag-tryout dito (UST), parang walk-in na lang din kasi ako lang mag-isa nu’n. Tapos nagpa-practice ‘yung team, tapos ‘yun nakuha ako sa team A,” dagdag niya.

Nakilala siya noong naiuwi niya ang UAAP Season 80 Juniors’ Basketball MVP kaya naman hindi na nag-aksaya ng panahon ang noon ay bagong pirma pa lang na si Aldin Ayo upang bakuran na si Cansino na maglaro para sa Tigers.

Ngayong unang taon niya sa seniors team ay siya ang may hawak ng pinakamataas na naipuntos ng isang rookie sa unang laro simula noong 2003. Nagtala siya ng 20 puntos sa kanilang pagkatalo kontra National University Bulldogs noong Setyembre 8.

Sunod na makikita si Cansino at ang Growling Tigers sa laban nila kontra University of the Philippines sa Setyembre 16, sa FilOil Flying V Centre. ()