Una sa Balita

Civic leader nagsampa ng DQ kay Capiz gov

By
0 308

Sinampahan ng isang civil leader ng disqua­lification case sa Commission on Elections (Comelec) si Capiz Go­vernor Antonio Del Rosario dahil sa umano’y mga katiwalian.

Sa petisyon, sinabi ni Essex Quintia, 79-an­yos, sangkot umano si Del Rosario sa umano’y maanomalyang pagpasok sa isang kontrata sa Perlite Agency na pag-aari ng kanyang kapatid na si Carmen Del Rosario-Andrade noong Hul­yo 2017 para sa security services sa Kapitolyo gayundin ang Governor’s Palace.

Sa isang press conference sa Intramuros, sinabi ni Quintia na may mga larawan ding magpapatunay sa madalas umanong pagpasok ni Del Rosario sa mga casino na isang paglabag sa Memorandum Circular No. 6 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbabawal sa mga opis­yal ng gobyerno na pumasok o magsugal sa mga casino.

Ipinagbabawal din ng Presidential Decree 1067-B at PD 1869 ang mga halal na opisyal tulad ni Del Rosario na magsugal o pumasok sa mga establisimyentong may sugalan.

Nilinaw din ni Quintia na walang politiko na nagbayad o nagpapagalaw sa kanya para kasuhan si Del Rosario.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy