Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

City Hall ng Lamitan, Basilan pinasabog

0 90

Isang improvised explosive device ang pinasabog sa harap ng Lamitan City Hall sa lalawigan ng Basilan nitong Lunes ng gabi, ayon sa ulat ng Philippine Arrmy kahapon.

Sinabi ni Brig. General Domingo Gobway, commander ng Joint Task Force-Basilan bandang alas-6:30 ng gabi nang maganap ang pagsabog sa exit area ng Lamitan City Hall at front gate sa Brgy. Maganda.

Nasira ang tubo ng tubig at bahagyang nawasak ang pader ng City Hall dahil sa nasabing pagsabog pero wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Lumitaw sa imbestigasyon na bago ang pagsabog, dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na lulan ng motorsiklo ang nakitang nag-iwan ng bag sa loob ng compound ng City Hall at pagkatapos ay mabilis na pinaharurot ang kanilang motorsiklo.

Dahil dito, lalo pang pinahigpit ang seguridad sa mga matataong lugar sa Lamitan para hindi na maulit ang kaparehong insidente. Wala pa ring grupo na umaako sa nasabing pagpapasabog. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.