Una sa Balita

City hall employee na tulak dinakma

By
0 1

Arestado ang isang lalaking empleyado ng Naga City Hall matapos makunan ng tinata­yang 5 gramo ng pinaniniwalaang shabu sa isina­gawang drug buy-bust operation ng pulisya kamakalawa ng hapon sa nabatid na lungsod.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Camarines Sur, ang suspek na si Isidro Garay Jr. ay isa sa mga high value target ng iligal na droga sa lungsod at permanenteng empleya­do ng city hall ng lungsod na nakatalaga sa Bicol Central Station (BCS).

Base sa ulat, dakong alas-singko ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng PDEA at kumuha ng halagang P50,000 halaga ng shabu sa suspek.

Matapos na magkapali­tan ng droga at pera ang suspek at ang police p­oseur buyer ay saka na dinakip ng mga ahente ang suspek.