Una sa Balita

CITIRA mag-aangat sa ekonomiya

0 301

ITINUTURING na pangalawa sa 1987 Konstitusyon ang kahalagahan ng panukalang ‘Corporate Income Tax and Incentives Rationalization Act’ (CITIRA) na ipinasa ng Kamara dahil sa mga positibong epektong iiwanan nito sa lahat ng sektor ng pambansang ekonomiya.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, House Ways and Means Committee chair at isa sa mga pangunahing may-akda, ang CITIRA (HB 4157) ay panga­lawa sa Comprehensive Tax Reform Program (CTRP) ng administras­yong Duterte.

Sa kabuuan, tinatayang ang CITIRA ay lilikha ng 1.566 milyong makabuluhang mga trabaho at dadagdag ng 1.1% sa paglago ng ‘gross domestic product’ (GDP) sa unang taon at taunang 3.6% mula 2020 hanggang 2030, habang mababang 0.9% lamang ang ambag sa taunang ‘inflation, dagdag niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy