Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Citibank tsugi bilang No. 1 bank

0 77

Mula sa pagiging pinakamaganda ang kita sa 46 mga commercial bank sa bansa noong 2019, bumulusok ang Citibank sa 35th o ika-12 sa mga pinakapangit ang kita noong 2020, ayon sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Nakikita ang kagandahan ng kita ng isang bangko sa pagtitimbang ng tubo nito at ikukumpara sa kapital na inilagay nito dito o ang tinatawag na return on equity. Mas mataas ang ROE, mas maganda ang kita. Mas mababa, mas pangit.

Noong 2020, nasa 0.22% na lamang ang ROE ng Citibank mula sa 28.57% noong 2019.

SM food to go Banner Ad

Kasabay nito ay inanunsiyo ng Citigroup na lalayasan na nito ang consumer banking business nito sa Pilipinas. Ang Citi ang pinakamalaki sa credit card business sa bansa.

Bukod sa Pilipinas, aalis din ang Citi sa Australia, Bahrain, China, India, Indonesia, Korea, Malaysia, Poland, Russia, Taiwan, Thailand, at Vietnam.

Sabi ni Citi CEO Jane Fraser, pinapalitan ng bangko ang diskarte nito at ang desisyon ay magconcentrate na lamang sa apat na lugar. (Eileen Mencias)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.