Una sa Balita

Circuit assembly ng Saksi ni Jehova ngayon

0 580

Malugod na nag-aanyaya ang mga Saksi ni Jehova na kaugnay sa Bulacan Circuit No. 3 sa kanilang idaraos na circuit assembly na gaganapin ngayong araw, Enero 5, 2019.

Ang tema ng Asembliya na salig sa Jo­sue 1:9 ay “MAGING MALA­KAS!”.

Tatalakayin sa asembliya kung saan tayo makakakuha ng lakas at kung paano natin patuloy na mapalalakas ang pana­nampalataya natin. Ang main talk of the assembly na mapapa­kinggan sa hapon ay may temang “Tumayo Kayong Matatag sa Pananampalataya… Magpakalakas Kayo”.

Ito ay gaganapin sa Metro Manila Assembly Hall of Jehovah’s Witnesses, 1140 Quirino Hi-way, Novaliches, Quezon City. Magsisi­mula ang programa alas-9:10 nang umaga at magtatapos ng alas-3:25 nang hapon. Hindi lamang po ang mga Saksi ni Jehova ang ina­anyayahang dumalo kundi maging ang publiko o mga taong interesado.

Libre ang pagpasok at walang gagawing anumang pangongolekta sa mga dadalo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy