Una sa Balita

Cinderella Kid rarampa

By
0 243

IKAKASA ngayong gabi ang Group race (7-8) kung saan walong matitikas na kabayo ang sasalang kasama ang pinapatok ng tipsters na si Cinderella Kid.

May layong 1,200 metro ang nasabing karera na pasisisbatin sa alas-8:40 nang gabi, rerendahan ni class A rider Mark Angelo Alvarez si Cinderella Kid na para sa kanya ay mahirap na karera ang kanilang lalabanan.

“Medyo mabigat ang dala natin, (57kgs) pero sisikapin natin na makuha ang panalo para hindi mabigo ang fans ni Cinderella Kid,” saad ni Alvarez.

Makakalaban ni Cinde­rella Kid sina Kapayapaan, Tap Dance, Low Key, El Mundo, Himig, Tito Gene at Mount Pulag.

Samantala, inaasahang bakbakan agad ang masisilayan sa Race 1 na isa ring Group Race (10) at 1,200 metro rin ang distansiya.

Walong kabayo rin ang kalahok na pingungunhana ng inaasahang magiging top favorite na si Oh Neng na sasakyan ni apprentice jockey PM Caballejo, Jr.

Makakaharap ni Oh Neng sina Gonzee’s Song, Show The Whip, Camorra, Pabulong, St. Suswa, Winning Move at Prinz Lao.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy