Una sa Balita

Cignal HD Spikers, Coo panauhin sa PSA Forum

0 208

MAGTITIPON-TIPON ang mga miyembro at opisyal ng Cignal matapos mabawi ang titulo sa Spikers Turf Reinforced Conference sa Phi­lippine Sportswriters Association (PSA) Forum Martes sa Amelie Hotel-Manila.

Tatalakayin ng HD Spikers ang pagwalis nila nang dalawang beses sa nakalipas na championship game nila kontra Go-For-Gold Air Force nitong Linggo nang gabi.

Dadalo rin sa weekly sports session na suportado ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) si Philippine Bowling Federation (PBF) secretary-general Bong Coo para talakayin ang kampanya ng mga national kegler sa papara­ting na 30th Southeast Asian Games.

Inaanyayahan ang mga miyembro ng PSA na dumalo sa 10 am event. (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy