Una sa Balita

Cignal HD kakapit kina Daquis, Dionela, Vivas

By
0 128

Standings W L
Petron 5 0
Foton 4 1
F2 Logistics 4 2
Generika-Ayala 3 3
Cignal 3 3
Smart 2 3
Cocolife 1 4
Sta. Lucia 0 6

Mga laro ngayon:
(Filoil Flying V Centre)
2:00 p.m. – Cocolife vs Foton
4:15 p.m. – Sta. Lucia vs Pet­ron
7:00 p.m. – Cignal vs Smart

NAIS ng defending champion Petron na pahabain ang kanilang winning streak sa anim pagharap nila sa nagkukumahog na Sta. Lucia sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Malinis sa limang laro, makakalaban ng Blaze Spikers ang problemadong Lady Realtors sa alas-4:15 ng hapon.

Wala pang panalo ang Sta. Lucia sa anim na salang sa event na suportado ng Isuzu, Senoh, Sogo, Mikasa, Asics, Mueller, UCPB Gen at Bizooku kasama ang Genius Sports bilang official technical provider.

Magkikita naman sa unang sultada ang Cocolife at Foton sa alas-2 ng hapon habang sa alas-7 ng gabi ang bakbakan sa pagitan ng Cignal at Smart.

Pakay ng HD Spikers sikwatin ang panalo upang makasampa sa No. 4 spot ng team standings, may 3-3 baraha silang kapit.

Ayon kay Cignal coach Edgar Barroga, kailangan nilang maglaro na puno ng kompiyansa upang makarami ng panalo sa mga natitirang laban.

“I want them to be more confident against any team – be it a team-to-beat like Petron or any other team,” saad ni Barroga na kakapit sa mga veteran na sina Rachel Anne Daquis, Jheck Dionela, Mumay Vivas at Acy Masangkay. “They have what it takes to win games. But sometimes, they don’t trust themselves enough and their lack of confidence spills over the court.”